-- Advertisements --
Tinanggal na ng mataas na korte sa Bangladesh ang panuklaang batas sa pagkakaroon ng quotas sa mga trabaho sa gobyerno.
Ang nasabing panukalang batas kasi ay nagdulot ng malawakang kilos protesta na ikinasawi ng mahigit 100 katao.
Nakasaad sa nasabing panukalang batas na ang inilaan sa mga kaanak ng mga war veterans ang trabaho sa gobyerno.
Tuluyang nakalaya ang Bangladesh sa Pakistan noong 1971.
Ayon kay Law Minister Anisul Huq na ang nasabing panukalang batas ay mayroong limang porsyento sa mga kaanak ng war veterans ang papayagang makapasok sa trabaho sa gobyerno.
Isinisi naman ng gobyerno ang mga opposition forces na sila ang nagtulak ng kilos protesta na siyang sumisira sa kaunlaran ng Bangladesh.