-- Advertisements --

Ipinagbawal ng Bangladesh ang pangingisda ng 65 na araw.

Ang nasabing hakbang ay para maresolba ang kakulangan ng suplay ng isda sa kanilang bansa.

Itinaon ang nasabing fishing ban sa breeding season ng mga isda hanggang Hulyo 23.

Ayon sa gobyerno, ang kanilang coast guard ang magpapatupad ng nasabing batas sa mga mangingisda sa Bengal Bay.

Plano naman ng ilang libong mangingisda na magsagawa ng protesta dahil apektado ang kanilang trabaho.

Ito ang pinakamahabang pagbabawal ng panginigisda ang ipinatupad ng bansa.