Patitibayin pa raw nang husto ng Bangladesh ang kanyang posisyon ukol sa mga Rohingya refugees na nananatili ngayon sa kanilang bansa.
Daan-libong mga katao, na karamihan ay mga Muslim, ay naninirahan sa mga refugee camps matapos tumakas sa marahas na persekusyon sa kanila sa Myanmar.
Ayon kay Foreign Minister Abdul Momen, hindi na raw kasi kaya pa ng Bangladesh ang pasanin sa kanilang ekonomiya, ngunit hindi nito sinabi kung papaano magbabago ang polisiya.
Nitong Huwebes nang inihanda ng mga opisyal ang mga buses upang simulan ang pag-repatriate sa mga refugees.
Ngunit nabigo ito dahil wala ni isang tao ang nagpakita noong oras ng pag-alis na sana ng mga service bus pabalik sa Myanmar.
Dahil dito, inakusahan ni Momen ang ilang mga non-government groups sa panghihikayat sa mga refugees na huwag umalis.
Nasa mahigit 740,000 Rohingya refugees sa Bangladeshi camps ang tumakas sa estado ng Rakhine sa Myanmar noong Agosto 2017 matapos ang nangyari doong opensiba ng militar kontra sa Muslim minority. (BBC)