-- Advertisements --
Napiling mamuno sa interim government ng Bangladesh si Nobel laureate Muhammad Yunus.
Kasunod ito sa pagbaba sa puwesto ni dating Prime Minister Sheikh Hasina na lumikas na rin dahil sa patuloy na kilos protesta.
Ang anunsiyo sa pagkapili ni Yunus ay mula sa Joynal Abedin ang press secretary ni President Mohammed Shahabuddin.
Una ng inanunsiyo ng Bangladesh Army na magkakaroon muna ng interim government matapos ang pagbaba sa puwesto ni Hasina.
Magugunitang nasa mahigit 300 katao na ang nasawi matapos ang ilang araw na kilos protesta sa Bangaladesh na kinokontra ang pamumuno ni Hasina na nasa puwesto mula pa noong 2006.