-- Advertisements --
Nagbiitiw sa kaniyang puwesto si Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina matapos ang ilang araw na anti-government protest na nagresulta sa ilang daang katao.
Sinasabing dinala siya ng mga sundalo kasama ang kapatid nitong babae palabas sa bansa.
Nagdiwang ang maraming protesters na lumusob sa bahay nito sa Dhaka kahit na ipinapatupad ang curfew at internet.
Magugunitang noong 2009 ng mamuno si Hasina sa Bangladesh.
Noong Enero ng magwagi ulit si Hasina sa halalan na pinagdudahan ng mga nasa oposisyon dahil sa umanoy pandaraya.
Aabot naman sa mahigit 300 na mga katao ang nasawi dahil sa malawakang kilos protesta matapos na gumamit ng mga tear gas at rubber bullets ang mga kapulisan.