-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Bangs Garcia ang pagiging British citizen na niya.

Sa social media account nito ay nag-post ang actress ng larawan na hawak ang papel na patunay na meron siyang “pledge allegiance” sa United Kingdom.

Dagdag pa nito na medyo na delay lamang ng isang taon ang pagiging citizen niya pero ngayon ay kinumpirma na siya ni King Charles III at ng United Kingdom.

Taong 2017 ng ikinasal ang actress as Filipino-British na asawang si Lloyd Birchmore sa isang civil ceremony sa England.

Matapos noon ay sinundan ng pribadong kasal sa simbahan at isang beach wedding sa Boracay.

Mula noon ay nanirahan na sila sa UK kasama ang dalawang anak na babae na sina Amelia at Isabella.