Nagpahayag ng kalungkutan at pakikipagdalamhati ang Bangsamoro Government sa pagpanaw ni Pope Francis.
Nakasaad sa inilabas na mensahe ang pakikiramay sa buong Simbahang Katoliko at sa mga Katolikong naninirahan sa Bangsamoro na patuloy ngayong nagdadalamhati sa pagpanaw ng Santo Papa.
Ayon sa Bangsamoro Government, ang pagpanaw ni Pope Francis ay isang malungkot na pangyayari, lalo’t siya ay nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at walang kapaguran sa pagtataguyod ng kapayapaan, hustisya, at interfaith dialogue.
Isa sa mga halibawa rito ay ang tuloy-tulot niyang pag-apela ng katahimikan para sa mga Middle East, lalo na sa umano’y atroksidad sa Palestine.
Ayon pa sa Bangsamoro Government, si Pope Francis ay isa ring bukal ng ‘moral clarity’ kasabay ng kaniyang patuloy na paghikayat sa mga world leaders na umiwas sa digmaan at sa halip ay maghanap ng mapayapang resolusyon ng mga hidwaan o alitan.
Ang mga ito ay hindi lamang umano simpleng pahayag kungdi, isang paghimok na kumilos at paalala para sa kapatiran at pagsasama-sama ng bawat isa.
Ngayong panahon ng pagdadalamhati, igiiit ng Bangsamoro Government ang pakikiisa bito sa mga Kristiyano, kasabay ng commitment para sa pagpapalakas sa isang komunidad kung saan umiiral ang kapayapaan at pagrespeto sa kapwa.