-- Advertisements --

Naghahanda na ang Bangsamoro para sa buwan ng Ramadan —isang panahon ng pag-aayuno, panalangin, at malalim na pagninilay na isinasagawa ng mga muslim sa buong mundo.

Pangungunahan ng rehiyon ng Mufti, at ng Sheikh Abdulrauf A. Guialani, ang opisyal na seremonya ng moon-sighting upang simulan ang Ramadan.

Ang Islamic tradition ay magsisimula ng isang buwan ng dedikasyon sa pagsamba, disiplina sa sarili, at pag-kawanggawa.

Samakatuwid ang pag-aayuno tuwing Ramadan ay isa sa Limang Haligi ng Islam, kung saan kinakailangang mag-ayuno ang mga adult muslim mula sa pagkain, inumin, at iba pang pisikal na pangangailangan mula umaga hanggang gabi.

Ito rin ay isang panahon ng mas mataas na debosyon, kung saan ang mga panalangin, pagbasa ng Qur’an, at mga gawa ng kabutihan ay magiging sentro ng Ramadan.

Hinihikayat ng Bangsamoro ang mga komunidad nitong mga muslim na ihanda ang kanilang mga puso at isipan para sa Ramadan.

Samantala sa isang pahayag, sinabi naman ng Bangsamoro Darul-Ifta’, ‘May we be blessed with a month filled with spiritual growth, patience, and immense rewards,” the statement of the Bangsamoro Darul-Ifta.’

Hinihikayat din ang mga muslim sa buong rehiyon na manatiling updated at maghintay sa opisyal na anunsyo para sa simula ng Ramadan.