-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pormal ng inilunsad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)–led Bangsamoro Government, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP), ang pagtatatag at pagpapatupad ng Bangsamoro Normalization Trust Fund (BNTF).

Sumaksi sa virtual meeting ang mga opisyal ng OPPAP, regional government, World Bank, international partners at ambassadors ang paglagda sa ‘Declaration of Commitment’ sa pagitan ng Government of the Philippines (GPH) at MILF Chairman.

Ang World Bank ay napili bilang international administrator ng trust fund sa pamamagitan ng kasunduan ng GPH at MILF Joint Implementing Panels.

Nagpahayag naman ng buong suporta at commitment si Ndiamé Diop, World Bank Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines, at Thailand sa BNTF.

Ang BNTF ay makakatulong na mawakasan ang kahirapan at pangmatagalang progreso sa buong bansa ay nakasalalay sa pag-unlad ng Bangsamoro.

Ang paglikha ng BNTF ay sinang-ayunan ng GPH at MILF sa Annex on Normalization ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), na nilagdaan ng parehong partido noong Enero 25, 2014.

Layunin ng BNTF ay tulungan ang MILF combatants at ang kanilang mga pamayanan na makamit ang kanilang ninanais na kalidad ng buhay sa isang mapayapa at ‘inclusive’.

Ang BNTF ay tutulong sa kaunlaran sa anim na kinilalang kampo ng MILF at sa ‘transformation” ng mga ito patungo sa mapayapa at mabungang pamayanan.