CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ng Lanao del Sur Provincial Police Office na walang classified private armed group na kumikilos sa kanilang probinsya.
Ito ang sinabi ni Col. Madzghani Mukaram, provincial director sa Lanao del Sur Police Office sa Bombo Radyo CdeO.
Aniya, nagpapatuloy pa rin ang mga otoridad sa pagbibigay ng seguridad sa buong probinsya laban sa mga potential armed men na posibleng maghasik ng kaguluhan sa nalalapit na pagsimula ng Ramadan at maging sa midterm elections sa Mayo 13.
Binanggit ni Mukaram na nagpapasalamat sila sa lahat nga mga opisyal ng local government units (LGUs) ng Lanao del Sur sa pagtulong sa kampanya laban sa loose firearms at pagre-report ng mga sightings laban sa mga armadong kalalakihan.
Sa ngayon, umabot pa sa 30 loose firearms ang na-turn over ng LGUs sa kanilang headquarters.