-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (Bangsamoro READi) ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) BARMM sa mga apektadong pamilya sa rehiyon dulot ng pagbaha.

Tinungo ng Bangsamoro READi Team ang Masiu, Lanano del Sur, upang ipaabot ang relief assistance sa mahigit 700 pamilyang apektado ng pagbaha dahil sa madalas na pag-ulan na nararanasan sa munisipyo at nagresulta sa pagbaha ng 11 barangays sa nasabing bayan.

Personal na pinuntahan ni Executive Assistant V Nor Sinarimbo ang Barangay Kalanganan 2 sa Cotabato City.

Aabot sa 2,000 mga pamilya ang nagbenepisyo sa relief operations sa tulong ni Brgy Kapitan Datu Edris Pasawiran.

Magpapatuloy ang Bangsamoro READi ng kaparehong tulong sa iba pang mga bayan o lugar na apektado ng pagbaha sa BARMM.