-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 23 09 21 41
Rev. Fr. Chito Suganob

CAGAYAN DE ORO CITY – Ginunita ng paring survivor ng Marawi seige ang kanyang dinanas na kalbaryo matapos ma-hostage sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng militar at Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) terrorist group noong 2017.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Rev. Fr. Chito Suganob na sariwa pa rin sa kanyang alaala ang takot na iniwan ng giyera kahit dalawang taon na ang nakalilipas.

Note: Pls click above for Rev. Fr. Chito Suganob audio interview

Ito rin aniya ang dahilan kaya hindi pa siya bumabalik ng Marawi City kahit hawak na muli ito ng pamahalaan.

Ayon pa sa pari, patuloy siyang binabangungot ng karanasan kung saan tila nakipagpatintero ito sa puwersa ng gobyerno bilang bihag ng mga terorista sa loob ng apat na buwan.

Dagdag pa nito, hindi madaling kalimutan ang masalimuot na bahagi ng kasaysayan.

marawi ruins 5 1

Kung maaalala, kasama ni Suganob ang limang opisyal ng simbahan na binihag ng Maute-ISIS group mula Mayo hanggang Oktubre 2017.

Samantala kabilang sa nanguna si Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) Secretary Carlito Galvez sa paggunita ng ikalawang taon na pag-ahon ng Maranao-Muslims mula sa pagkalugmok epekto nang terror attack ng Maute-ISIS sa Marawi City.

Isang linggo ang pag-obserba ng Marawi Week of Peace kung saan maraming mga aktibidad na nakasentro sa serbisyo publiko sa internally displaced persons (IDPs) ang isasagawa tungo sa paggunita ng 2nd year commemoration ng limang buwan na pagtugis ng militar sa mga terorista.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Task Force Bangon Marawi chairman Secretary Eduardo del Rosario na simpleng pag-aalay ng panalangin ang kabilang sa programa.

Sinabi ni Del Rosario na pupuntahan din nila ang most affected area o ang tinaguriang ground zero kasama ang ilang foreign media para maipakita sa international community kung ano at nasaan na ang gobyerno sa ginagawang rehabilitation at reconstruction program para sa Marawi City.

marawi ruins 1

Samantala, hinamon naman ni dating senatorial candidate Samira Gutoc ang bagong mga halal na mga mambabatas na huwag kalimutan ang hinaing ng mga taga-Marawi.

Sinabi nito sa Bombo Radyo na bagamat hindi pinalad nang sumabak siya sa 2019 midterm elections subalit tuloy-tuloy ang kanyang adbokasiya para sa kapakanan ng internally displaced persons ng Marawi City.

Magugunitang ang grupo ni Gutoc kasama ang ibang Maranao royal families ang nasa likod ng malawakang rescue operations sa na-trap na mga Kristiyano sa kasagsagan ng giyera upang hindi mapatay ng mga terorista.