-- Advertisements --
Isinagawa ng United Lakas Pangasinan Alliance in Hong Kong (ULPAHK) ang pagdiriwang ng 121 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ni ULPAHK Chairman Raymund Bok Perez, nagsagawa ang nasabing grupo ng street dancing.
Ipinakita dito ang Street Dancing na may temang Dagupan City Bangus Festival na ginanap sa Chater Road, Central District Hong Kong.
Ang nasabing Bangus Festival ay taunang isinasagawa sa lungsod ng Dagupan kung saan ito ay kinilala ng Guinness World Record noong 2012 sa pamumuno noon ni Dagupan City Mayor Benjamin Saplan Lim.
Ang ULPAHK ay pinaka aktibong grupo ng mga Pangasinense sa Hong Kong na may layunin na tulungan ang bawat miyembro sa Hong Kong.