CAUAYAN CITY- Umaabot na sa 117 protesters ang naaresto at 53 props ang hinila o na-tow palabas sa downtown Ottawa, Canada.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Hajcsar nasa pangalawang araw na ang police action na ginagawa ng kapulisan upang buwagin ang mga truck drivers o freedom convoy.
Sa kabila ng police action ay patuloy pa rin ang resistance o pagmamatigas ng mga protesters na lisasin ang downtown ottawa.
Patuloy ang ginagawang pagtulak ng mga pulis sa mga protesters sa wellington street ng Ottawa para tuluyan nang matapos ang kanilang pag-okupa sa Downtown maging sa Parliament Hill kung saan matatagPuan ang seat of government ng Canada.
Magkakasanib na puwersa ng kapulisan mula sa probinsiya ng Quebec, Calgary at Ontario ang kumikilos ngayon upang buwagin ang mga protesters.
Binuwag ng mga pulis ang mga tents na pansamantalang tinutuluyan ng mga nagpo-protesta at sinamsam din ang kanilang kagamitan.
Naka-freeze na rin ang bank accounts ng mga truckers na kabilang sa Freedom Convoy Protest ] maging ang humigit kumulang 30 million dollars na nalikom sa “Go Fund Me” ay na-freeze na rin ng Bank of Canada