Nakitaan ng paglago ang mga pautang ng bangko nitong nakaraang Agosto.
Base sa preliminary entry, ang outstanding loans ng universal at commercial banks, pati ang net of reverse repurchase (RRP) placements ay nagtala ng mabilis na pag-angat sa 10.7 percent year-on-year para sa Agosto mula 10.4 percent noong Hulyo.
Para sa month-on-month seasonally-adjusted basis, ang outstanding loans at net reverse repurchase (RRP) placements ay tumaas ng 0.8 percent.
Kaugnay nito, ang outstanding loans to residents at net ng reverse repurchase (RRP) placements, ay lumago ng 10.9 percent mula sa 10.4 percent data noong July.
Samantala, ang outstanding loans to non-residents ay nakitaan din ng mahinang pag-angat na 1.5 percent sa Agosto, na mas mababa mula sa 9.2 percent sa nakalipas na buwan.
Ang loans para sa production activities ay umakyat naman ng 9.4 percent mula sa 8.8 percent sa nakalipas na buwan.
Ang paglagong ito ay sinasabing dahil sa magandang kalakalan sa key industries kagaya ng real estate activities (13.2 percent); wholesale and retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles (10.7 percent); manufacturing (9.8 percent); transportation at storage (23.4 percent); electricity, gas, steam & air conditioning supply (7.0 percent).
Sa consumer loans to residents naman ay bumagal ng bahagya sa 23.7 percent mula sa dating 24.3 percent na naapektuhan ng credit card lending.
Tinitiyak naman ng BSP na ipagpapatuloy nila ang maayos na domestic liquidity at lending conditions na tugma sa price and financial stability objectives.