-- Advertisements --
image 287

Tiniyak ng Bankers Association of the Philippines na ang mga kaganapan sa ilang financial institution sa Amerika ay hindi makakaapekto sa ating mga bangko dito sa Pilipinas.

Ito ay sa kadahilanang diversified ang pinanggagalingan ng mga deposito ng mga bangko na kayang tugunan ang pangangailangan at serbisyong pinansyal ng mga customer.

Ito ay mas pinagtibay pa ng kasalukuyang capital at liquidity ratios na higit pa sa requirements na hinihingi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang mga regulasyong isinasakatuparan ng mga bangko sa pamumuno ng BSP ang nagsisilbing sandigan upang kayaning harapin at tugunan ang anumang economic shocks maging ito’y pangyayari buhat sa ibang bansa.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Bankers Association of the Philippines sa BSP at iba pang mga stakeholders upang maisakatuparan ang marami pang programa na magpapaigting at magpapalawig sa husay at kalidad ng ating mga bangko para sa patuloy na matatag at maaasahang paghahatid serbisyo sa publiko.