Nagbabala si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na marami pang mawawalan ng trabaho sa mga susunod na buwan, partikular sa mga industriya ng local banking at turismo.
Paliwanag ni Pimentel, ito ay dahil pa rin sa nararanasang krisis sa ekonomiya na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Pimentel, ang suspensyon ng loan repayments na minandato ng Kongreso noong nakalipas na taon ang siya umanong nagpahirap sa mga bangko na matukoy ang kanilang non-performing loans.
“The bigger banks in particular might start reducing their headcount this year, once they get a better estimation of their bad loans,” saad ni Pimentel.
“There’s no question the post-pandemic banking landscape will involve fewer brick-and-mortar branches, with more Filipinos performing transactions online,” dagdag nito.
Ang nasabi rin aniyang problema ay nagdudulot ng mga setback sa tourism industry na binubuo ng libu-libong mga manggagawa.
“The bigger hotels and resorts with more financial resources deferred labor retrenchments throughout 2020. They might start cutting those jobs now,” ani Pimentel.
Kaya naman, nanawagan ang mambabatas sa gobyerno na bumuo ng mga one-stop shops kung saan maaring magtungo ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho upang kunin ang separation insurance, mag-apply para sa skills retooling at iba pang mga serbisyo.
“It pains us to see dismissed workers transacting tediously with multiple agencies to avail of assistance. Government must provide physical locations plus a customized website where displaced workers can get all the help that they need from multiple agencies under one roof in just one stop,” dagdag nito.
Dapat din aniyang magtulungan ang Social Security System, Public Employment Service Office, Technical Education and Skills Development Authority, at mga local government units kaugnay sa pagtatayo ng mga one-stop shops.