-- Advertisements --
Martin Andanar
Sec Andanar / FB post

Labis na ikinalungkot ng Malacañang ang ginagawang “vote shaming” dahil hindi matanggap ang pagkatalo ng kanilang sinuportahang kandidato sa katatapos na midterm elections.

Nabatid na hinahamak ng ilang sektor ang mga masa o nasa Class D at E ng lipunan kung saan tinawag nila itong mga “bobotantes” sa pagboto ng mga kandidatong hindi naman umano karapat-dapat.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, hindi katanggap-tanggap ang ganitong pang-iinsulto sa mga botanteng pumili ng kandidatong naaayon sa kanilang sariling desisyon.

Ayon pa kay Sec. Andanar, ang pagkuwestiyon at pagdududa sa kakayahan din ni presumptive Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay hindi rin produktibo.

Iginiit ni Sec. Andanar na dapat pakinggan ang kahanga-hangang apela nina Vice President Leni Robredo at Sen. Risa Hontiveros at umangat mula sa partisan politics.

Kasabay nito, hinikayat ng opisyal ang mga nanalong kandidato na magpasalamat at doble-kayod sa trabaho para matupad at makamit ang pagbabagong ipinangako noong panahon ng kampanya.

“We find it unfortunate that some quarters who could not accept the crushing defeat of their senatorial can didates would resort to ad hominem arguments, such as vote shaming, to stress their points,” ani Sec. Andanar.

“Questioning or putting doubt on the “intelligence” of the Classes D and E voters, derisively referred to as “bobotantes,” is simply wrong. Laughing off and casting aspersions on the ability of presumptive Senator Ronald dela Rosa because of a post-election interview is counterproductive. Let us take the high road, like the commendable appeals made by Vice President Leni Robredo and Senator Risa Hontiveros, and rise above partisan and divisive politics.”