Matapos na magpahayag ng suporta ang Estados Unidos sa Pilipinas dahil sa nangyaring insidente kahapon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, nakiisa na rin dito ang bansang France.
Ayon sa pahayag ng French Embassy sa Manila, ikinababahala ng France ang naturang pangyayari na kung saan nasangkot ang barko ng PH .
Kung maaalala, kinumpirma ng Chinese media na may naganap na banggaan at kabilang dito ang kanilang Chinese Coast Guard vessel maging ang resupply vessel ng bansa.
Partikular ito naganap sa may bahagi ng Ayungin Shoal na pasok sa EEZ ng Pilipinas na pilit namang inaangkin ng China.
Kaugnay nito at nanawagan rin ang France sa mga bansa na irespeto ang United Nations Convention on the Law of the Sea maging ang Freedom of Navigation.
Mariin din nitong tinututulan ang anumang paraan ng paggamit ng pwersa na labag sa international law.
Naniniwala rin ito sa kahalagahan ng Diyalogo sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.