-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Abot sa 267 na mga residente ng Kabacan, Cotabato ang tumanggap ng ayudang bigas mula sa Ministry of Korea.

Matatandaang nakaranas ng sunod-sunod na pagyanig ng lindol ang probinsya ng Cotabato nitong nakalipas na 2019 kung saan marami sa mga residente ang nawalan ng tirahan.

May kabuuang 95 sakong bigas ang ipinagkaloob ng Ministry of Korea para sa mga residente ng Kabacan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa nasabing ahensya.

Aniya, malaki ang maitutulong ng nasabing bigas lalo pa’t nasa ikalawang pagsubok na naman ang buong mundo.

Pinangunahan ni MSWDO Susan Macalipat, MDRRMO David Don Saure, at Mun. Administrator Ben Guzman ang pamamahagi ng bigas.

Sa ngayon maliban sa mga nasalanta ng nakalipas na mga lindol ay tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng tulong ng LGU-Kabacan sa mga pamilya na grabeng naapektuhan sa COVID-19 pandemic.