-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Ngayong araw ay idinaraos ang pang-apat na paggunita ng World Youth Day sa bansang Portugal kung saan nasa 16,000 na mga medical officers, security at civil authority ang naka-deploy.

Ayon kay Rice Enalao, ang Bombo International News Correspondent mula sa bansang Portugal, ito umano ang maituturing na pinaka-maayos at pinaka-secure na naging pilgrim ni Pope Francis.

Ramdam aniya ang pagkakaroon ng friendly environment at wala rin aniyang makapagpapaliwanag sa sayang naihahatid sa mga kabataan.

Layunin aniya ng pagsasagawa nito na maiparating sa mga kabataan na sa panahon ngayong talamak ang mental health issues na may kaugnayan sa pagbababad sa makabagong teknolohiya, nais umanong iparating ni Pope Francis na hindi sila nag-iisa, at bilang lider, nais niyang gabayan ang mga ito.

Higit din sa nais na maipahatid ng pagsasagawa ng naturang aktibidad ay ang pagkakaroon ng malapit na relasyon sa Panginoong Hesus.

Ibinahagi rin ni Enalao na sa unang araw palang ng pagdating ng Santo Papa sa Portugal ay naghanda na ang bansa ng mga sari saring aktibidad na kinabibilangan ng concerts, exhibits at pagpapakitang gilas sa pagsayaw at pag-awit mula sa mga kilalang performers.

Samantala hindi naman aniya bababa sa 900 na mga Pilipino ang nagtungo rin sa naturang bansa upang makiisa sa aktibidad.