-- Advertisements --
image 253

Magsisimula na ang torneo ng FIFA World Cup sa Qatar ngayong Nobyembre 20, kung saan halos tatlong milyong tiket na ang naibenta.

Kaugnay dito, ibinunyag ni Aia Kirisawa, ang bombo International Correspondent sa Qatar, na 95 percent ready na ang nabanggit na bansa, dahil nasa ayos na ang mga tirahan ng mga manlalaro pati na ang paglalaruan nito.

Sa kasalukuyan, may mga dumating na na mga manlalaro upang sila ay makapagsanay magkapag-adjust sa klima ng nasabing bansa.

Makikita na rin na halos bawat manlalaro ay may nakalaan na lima o higit pang bodyguard.

Dagdag pa ni Kirisawa na hinihimok at obligado ang international at local na mga fans na magkaroon o mag-apply ng Hayya card para sa FIFA World Cup Qatar 2022.

Ang digital Hayya Card, na kilala bilang Fan ID, ay isang dokumentong inisyu ng FIFA World Cup Qatar na dapat dalhin ng mga tao kasama ang kanilang tiket upang makapasok sa stadium.

Binigyang linaw ni Kirisawa naang Hayya Card ay sa gobyerno ng Qatar at walang pananagutan ang FIFA para sa aplikasyon, pagpapalabas, at/o paggamit ng card na ito.

Nabatid na hindi tinatanggap ng gobyerno ng Qatar ang mga indibidwal na may record ng stampedes o riot upang magsisiguro ang kapayapaan sa panahon ng torneo.

Dahil sa limitadong tirahan sa Qatar, may mga tagahanga na pinipiling tumira sa kalapit na bansa at pupunta na lang sa venue kung nagsimula na ang laban.