-- Advertisements --
image 508

Patuloy na raw na nakikipag-ugnayan ang Philippine Red Cross (PRC) sa Syrian embassy para sa ibibigay nilang donasyon at tulong para sa mga kababayan nilang apektado pa rin hanggang sa ngayon ng malakas na lindol sa Syria.

Una rito, nanawagan ang Syrian government ng tulong at mga donasyon sa bansa kasunog ng malakas na lindol na kumitil sa buhay ng libo-libong katao sa Syria at Turkey.

Sinabi ng Syrian Arab Republic Embassy, na ang donasyon ay puwede raw ipadala sa pamamagitan ng Philippine Red Cross (PRC) na magsisilbing collection site.

Partikular na hinihiling ng naturang bansa na donasyon sa mga local charitable foundations at non-government organizations ay ang gamot, kumot, winter clothes at tents.

Puwede raw itong ipadala sa Philippine Red Cross Headquarters sa Mandaluyong.

Sinabi naman ni Philippine Red Cross Chairman at Chief Executive Officer Richard Gordon na tuloy-tuloy daw ang kanilang ugnayan sa embahada ng Syria para sa mga ibibigay na donasyon.

Una na ring nagpanawagan ang bansang Syria ng tulong at sinabi naman ng pamahalaan na magpapadala ang mga ito ng monetary donations sa war-torn nation.

Nagpadala ang Pilipinas ng humanitarian team sa neighboring Turkey para tumulong arescue at relief efforts.

Ang magnitude 7.8 na lindo ay tumama sa Syria at Turkey noong Pebrero 6.

Mayroon namang isa pang tumamang magnitude 6.4 na lindol sa naturang bansa noong February 20.

Sa ngayon nasa 50,000 na ang naitalang namatay sa Turkey at Syria dahil sa naturang lindol.