-- Advertisements --
Nanawagan ang foreign ministries ng Jordan at Turkey tutukan na ang Gaza matapos pagpayag ng Israel sa ceasefire nila ng Hezbollah.
Sinabi ni Sufyan Al-Qudah ang tagapag-salita ng foreign minstry ng Joredan, na mahalaga na palakasin ang national institution ng Lebanon ganun din ang muling pagtatayo sa mga nasirang gusali dahil sa giyera.
Hindi rin dapat na makalimutan na mabigyan ng tulong ang Lebanon para makabangon ang kanilang ekonomiya.
Ayon naman sa foreign ministry ng Turkey na dapat ay makibahagi na ang international community para ma-pressure ang Israel na isulong din ang ceasefire sa Gaza.