Itinuring ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga banta ng China na i-detain ang mga ‘trespassers’ sa West Philippine Sea (WPS) bilang isang act of escalation.
Sa isang panayam sa sideline ng kanyang state visit sa Brunei Darussalam, inilarawan ni Pangulong Marcos ang banta ng China bilang ibang patakaran at isang nakababahalang pag-unlad.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang hilingin na magbigay ng reaksyon sa apat na buwang pagbabawal sa pangingisda ng China sa South China Sea, kabilang ang mga bahagi ng WPS.
Sinabi niya na ang aksyon ng China ay “extension lamang muli ng kanilang pag-aangkin na ito ang lahat ng maritime territory ng China.”
Dagdag pa ng Presidente na hindi na bago ang mga ginagawa ng China .
Inilabas na umano ng gobyerno ng China ang regulasyon matapos ang katatapos na civilian resupply mission sa mga mangingisdang Pilipino sa WPS.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ng gobyerno na kanilang suportahan ang mga mangingisda na apektado ng bagong detention policy ng China na magsisimula sa June 15,2024.