-- Advertisements --

Tila nagkakaroon na ng linaw ngayon ang mga banta ng destabilization o pagpapabagsak sa administrasyong Marcos.

Ito ang inihayag at pananaw ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez matapos akusahan nina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at dating Biliran Representative Glenn Chong sa isang peace rally si First Lady Liza Araneta-Marcos na nasa likod ng umano’y pandaraya noong 2022 National Elections.

Siinabi ni Gutierrez na nagtutugma ang paulit-ulit na “narratives” o salaysay na ang layunin ay siraan ang gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos. 

Kung noong una ay tinatawanan lamang aniya ang mga pasabog ni dating Senador Antonio Trillanes na may plano si dating Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa puwesto si Pangulong Marcos, makalipas ang beinte kwatro oras ay lumulutang na ang “recipe for disaster” kaya dapat maging mapagmatyag ang publiko.

Para kay Assistant Majority Leader Jil Bongalon, nais lituhin nina Roque at Chong ang taumbayan kahit na matagal nang alegasyon ang pandaraya noong eleksyon.

Para kay Assistant Majority Leader Jil Bongalon, nais lituhin nina Roque at Chong ang taumbayan kahit na matagal nang alegasyon ang pandaraya noong eleksyon.

Banat pa ni Bongalon, sino ba ang binoto ni Roque kung iginigiit nito na si Vice President Sara Duterte ang tunay na presidente.

Idinagdag naman ni Zambales Representative Jefferson Khonghun na maaaring binabangungot lamang si Roque matapos bitawan ang mga paratang laban sa Unang Ginang.