-- Advertisements --

Pinarerekonsidera ng PhilHealth sa ilang mga ospital ang banta ng mga ito na sila ay kakalas na sa state health insurer dahil sa hindi pa rin nababayarang claims.

Ginawa ito ng tagapagsalita ng PhilHealth na si Rey Baleña kahit sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na notices o liham mula sa mga private hospitals na ito.

Sinabi ni Baleña na ang pagkalas ng naturang mga ospital sa PhilHealth ay may malaking epekto sa healthcare system sa bansa, lalo na sa mga pasyente na hindi pa nakakapagbayad sa kanilang mga bills.

Umaasa ang state insurer sa positibong resulta sa pulong sa pagitan nina PhilHealth chief executive officer at president Dante Gierran at ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi).

Tiniyak naman din ni Baleña na bukas ang PhilHealth na makipagdayalogo sa mga ospital.