-- Advertisements --

sputnik7


 
Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang booster vaccination para sa kanilang personnel, kasunod ng banta ng Covid-19 Omicron variant.


Sa datos ng PNP Health Service as of January 3,2021 nasa 19,009 personnel na ang nakatanggap ng booster vaccine.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, patuloy ang pag-administer nila ng booster vaccine lalo na yung mga naka tatlo o anim na buwan na matapos maturukan ng kanilang second dose.

Siniguro naman ni Vera Cruz, na sapat ang kanilang vaccine booster supplies para sa kanilang mga tauhan.

” Yes Anne. We have enough booster vaccines to accomodate lahat na naka 3 months na after the 2nd dose dito sa NHQ,” mensahe ni PLtGen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Para naman duon sa mga Police Regional Offices (PROs) nationwide ang mga local government units na ang siyang nagbibigay ng supply ng booster vaccines.

” Im not sure lang if they have sufficient booster vaccines sa LGUs since wala kami data nun,” dagdag pa ni Vera Cruz.

Una ng hinimok ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng PNP personnel na magpaturok na ng Covid-19 vaccine booster shots.

Nanawagan din si PNP Chief sa mga personnel na hanggang sa ngayon may vaccine hesitancy na magpa bakuna na rin para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.

“Police are considered as frontliners in the government’s COVID response because their duty puts them in direct interaction with people while securing the peace and order in every community. We don’t want to have sick law enforcers for it can affect their performance,” pahayag ni Gen.Carlos.

Samantala, sinabi ni Vera Cruz, patuloy ang kanilang panghihikayat lalo na duon sa mga ayaw talaga magpa bakuna.

Sa ngayon, nababawasan na yung mga personnel na may vaccine hesitancy.

Sa ngayon nasa 0.66% o 1,492 na mga personnel ang unvaccinated kung saan 671 dito ay may valid reason at 821 ang sadyang ayaw talaga magpa bakuna.

Nasa 95.49% o 215,916 personnel na ang fully vaccinated habang nasa 8,702 o 3.85% ang nakatanggap na ng first dose at naghihintay sa kanilang second dose.

” Regarding sa mga unvaccinated, nababawasan naman paunti-unti but meron pa rin talagang ayaw magpabakuna. With the current upward trend in cases baka mahikayat na sila na magpa bakuna to avoid hospitalization,” pahayag ni Lt.Gen. Vera Cruz.