-- Advertisements --

Inalis na ng weather bureau ng Department of Science and Technology ang banta ng storm surge sa mga coastal town sa northern Luzon.

Ito ay kasunod ng bahagyang pagbuti ng panahon, bunsod na rin ng tuluyang paglayo ng Severe Tropical Storm Pepito.

Kaninang umaga(Nov. 1) ay nakataas pa sa storm surge warning sa anim na probinsiya sa Northern Luzon na kinabibilangan ng mga probinsya ng Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte, at Pangasinan sa Ilocos Region, probinsya ng Isabela sa Cagayan Valley, at Zambales at Aurora sa Central Luzon.

Gayonpaman, tuluyan ding inalis ng weather bureau ang banta ng mga matataas na daluyong.

Maalalang ilang araw na itinaas ang storm surge warning sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa magkakasunod na pagpasok ng bagyo, pinakahuli ang dating Supertyphoon Pepito.

Sa kabila nito, nakataas pa rin ang gale warning sa northern seaboard ng Northern Luzon.

Ayon sa weather bureau, nananatilin mapanganib ang paglalayag sa naturang lugar para sa mga barko, anumang ang tonnage.