DAGUPAN CITY — Agad na pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng Tsunami kasunod ng naitalang 6.3 magnitude na lindol sa Calatagan, Batangas nitong umaga ng Biyernes.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Phivolcs officer-in-charge (OIC) Dr. Renato Solidum Jr. na siya ring Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Scientific and Technological Services, na dahil sa naitalang lalim ng lindol na 74 kms ay hindi inaasahan ang pagkakaroon ng Tsunami.
Una rito, naramdaman ang magnitude 6.3 earthquake sa ilang parte ng Luzon dakong 7:43 ngayong umaga kung saan naitala ang episentro nito sa Calatagan, Batangas.
Bagamat, kinumpirma ng opisyal na posibleng makaramdam ng mga aftershocks sa iba’t-ibang mga probinsya sa Luzon katulad nalamang ng naramdaman dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ngayon aniya ay patuloy pa ring inaalam ang mga naitalang intensities sa iba’t-ibang lugar matapos ang naturang pagyanig.