-- Advertisements --

Tinawag na desperado ng ilang kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na pagbantaan nito ang kanyang mga kritiko na magdeklara ng revolutionary wat at suspensyon ng writ of habeas corpus.

Sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na “desperate attempt” na raw ito ng punong ehekutibo para patahimikin lamang ang kanyang mga kritiko at ilihis ang atensyon ng publiko sa iba’t ibang issue na kinakaharap ng administrasyong Duterte.

Para naman kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, “cover up” lamang ito sa paghuli ng pamahalaan sa mga aktibista, komunista at mga kritiko ng gobyerno.

Paraan lamang din daw ito upang mawala sa isipan ng publiko sa mga kontrobersiyal na loan agreements na pinasok ng Pilipinas sa China.