-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief Oscar Albayalde na kanilang sineseryoso ang anumang security concerns lalo na kung ito ay may kinalaman sa pangulo ng bansa, verified man ang impormasyon o hindi pa.

Sa pagharap ni Albayalde sa mga miyembro ng media, kaniyang sinabi na hindi nawawalan ng banta sa buhay ang isang pangulo ng bansa lalo na ang mga nagnanais na matanggal ito sa serbisyo.

Una ng inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na target daw siyang i-assasinate ng US Central Intelligence Agency (CIA).

Sinabi ni Albayalde na kabilang sa binabantayan ng PNP at AFP ay ang komunistang grupo, local terrorist group at maging ang foreign entities.

Sa kabilang dako, siniguro ni Albayalde ang 101 porsyentong suporta ng PNP sa pangulo.

Bina-validate na rin ngayon ng PNP ang ulat na may mga retiradong heneral ang nagbaba balak na patalsikin si Duterte sa pwesto.