-- Advertisements --

Kinokonsindera ng National Security Council (NSC) bilang national security concern ang banta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ito’y matapos sabihin ni VP Sara na ipa-papatay niya si PBBM.

Sinabi ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na iimbestigahan nila ang nangyaring pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng Pilipinas kung saan aniya ay pananagutin nila ang naging pahayag ng Bise Presidente.

Nakipag ugnayan na ang NSC sa mga awtoridad at intelligence agencies para imbestigahan ang mga gumagawa ng krimen kung anong klase ng pagbabanta at motibo ang nais nito laban sa Pangulo ng Pilipinas.

Hinikayat naman ni Año ang publiko na maging kalmado at tiniyak nito na gagawin niya kasama ng kanilang ahensya ang lahat para mapanatiling ligtas ang buhay ni PBBM kung saan  itataguyod nito ang Konstitusyon, mga institusyong demokratiko, at ang chain of command sa lahat ng panahon.