-- Advertisements --

Itiinuturing ng National Security Council (NSC) na seryoso at isang usapin ng national security ang lahat ng mga banta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kaniyang ipapapatay ang Pangulo kasama sina first lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez kung siya ay mapatay.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año’ , na lahat ng mga banta sa buhay ng Pangulo ay kanilang bina-validate at ikinokonsiderang usapin ng national security.

Nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang mga law enforcement agencies at intelligence agencies para imbestigahan ang nasabing banta.

Pagtitiyak niya sa publiko na ipinapatupad lamang ng kanilang ahensiya ang konstitusyon, democratic institution at chain of command.