-- Advertisements --

Sinigurado ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na tututukan ng komisyon ang anumang magiging banta sa kaligtasan o karahasan sa panahon ng halalan.

Aniya, gagawin lahat ng komisyon para maiwasan ang anumang kaguluhan kapag pumasok na ang election period.

Kaugnay nito, nanawagan din si COMELEC Chairman Garcia para sa agarang pagkaaresto sa mga bumaril sa vice-mayoral aspirant sa Tantangan, South Cotabato.

Tiniyak ni Garcia na tututukan ng kanilang komisyon ang kasong ito.