Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang banta sa soberenya ng bansa na nagdudulot ng pisikal na pananakit ay hindi katanggap-tanggap, hindi makatuwiran at makatarungan.
Ito ang Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo sa komemorasyon ng Araw ng Kagitingan, kung saan nananawagan ito sa sambayanang Filipino na huwag magpatalo sa mga tinatawag na mga mapang-api sa ating teritoryo.
Dagdag pa ng Pangulo, tulad nang ipinamalas ng ating mga ninuno, hindi tayo dapat magpasupil at magpaapi lalo na sa loob ng sarili nating bakuran.
Nakatakdang bumiyahe patungong Washington, D.C ang pangulo para dumalo sa trilateral summit kasama ang US at Japan.
Layon ng summit na palakasin pa ang ironclad alliance ng tatlong bansa sa kabila ng tensiyon sa West Philippine Sea.
Inihayag din ng Pangulo na ang “Fall of Bataan” ay minarkahan nito ang muling pagbangon ng tunay na independent and sovereign Philippines.