-- Advertisements --

Tiniyak ng MalacaƱang malaya at hindi nila haharangin ang binabalak na impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik sesyon ng Kongreso.

Una inihayag ng grupo ng mga mangingisda na PAMAMALAKAYA na kabilang sa grounds ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte ay treason at culpable violation of the Constitution dahil sa kabiguan daw nitong protektahan ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinikilala ng Office of the President (OP) ang karapatan ng sino mang Filipino citizen na maghain ng impeachment complaint laban sa nakaupong pangulo ng bansa at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas.Pero ayon kay Sec. Panelo, maliban sa wala sa lugar, walang basehan sa facts at sa batas ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

Iginiit ni Sec. Panelo na mahigpit na tinutupad ni Pangulong Duterte ang sinumpaang tungkuling pagsilbihan at protektahan ang sambayanang Pilipino na nagbigay naman ng pinakamataas na satisfaction, approval, performance at trust ratings sa political polling history.

Kasabay nito, tiniyak din ni Sec. Panelo na taliwas sa naging banta ni Pangulong Duterte kamakailan, hindi gagalawin at hindi ipakukulong ang mga magsasampa ng impeachment complaint.

“Any Filipino citizen can file an impeachment case against a sitting President. The Office of the President can not and will not dissuade those individuals and groups, including left-leaning ones, to initiate such an action before the Congress, as the same is recognized by our Constitution,” ani Sec. Panelo.

“An impeachment however not only is misplaced, it is absolutely baseless in fact and in law. The President is fealty to his sworn oath under the Constitution of serving and protecting the Filipino people, who in turn have given the highest satisfaction, approval, performance and trust ratings in political polling history.”