-- Advertisements --
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang banyaga ang inaresto sa Marawi City.
Ayon kay AFP spokesperson M/Gen. Restituto Padilla naaresto ang nasabing banyaga ng mga law enforcement members.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ito ngayon ng PNP-AFP sa Marawi at sumasailalim sa tactical interrogation.
Sinabi ni Padilla na batay sa inisyal na report, nagtangka umanong tumakas ang nasabing dayuhan.
Hinihinalaang miyembro ng Maute-ISIS ang naaresto.
Tinutukoy na rin kung anong nationality ng suspek.
“Initial info says this person was intercepted and arrested by our law enforcement members ng BPAT and turned over to the PNP-AFP tram. He was trying to escape,” mensahe ni Padilla.