Sinampahan na ng kaso ng pamunuan ng MRT-3 ng alarms and scandal case laban sa isang banyagang lalaki na pasahero na nagtatatakbo sa tracks ng tren na naka hubad sa may Boni Avenue station kahapon, 12 August 2021.
Ayon sa MRT-3 nagsimula ang insidente bandang alas -5:35 ng umaga sa Boni Avenue station ng inspeksyunin ang baggage ng isang banyagang lalaki na pasahero ng security personnel ng bigla na lamang ito naghubad at tumalon sa tracks ng tren patungong Shaw Boulevard station.
Apat na security personnel mula Boni ang humahabol sq banyagang pasahero hanggang makarating sa Shaw Boulevard station.
Bandang alas 5:42 ng umaga ng siya ay mahuli at ibinalik sa Boni station at saka inindorso sa Mandaluyong Police Station para kaukulang imbestigasyon at psychiatric evaluation.
Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard D. Eje, nagdesiyon ang MRT-3 management na sampahan ng kaso ang banyagang lalaki dahil nagsanhi ito ng public at paglabag sa protocol na ipinagbabawal ang pagbaba sa tracks ng tren.
Iniimbestigahan na rin sa ngayon ng MRT-3’s Safety and Security Unit ang insidente at kung may lapses sa mga security personnel na naka duty.