Nakatakdang magbukas ang Banyan Tree sa Maynila sa 2028.
Ang Phase 1 ng naturang property ay binubuo ng isang hotel, residences, at retail area para sa mga bisita at kliyente upang masaksihan ang tunay na luxury na nakatakdang magbukas sa unang quarter ng 2028.
Nag-aalok din ang Banyan Tree Manila Bay hotel ng iba’t ibang rooms at suites para sa mga travelers na naghahanap ng rejuvenating retreat na mayroong swimming pool, fitness center, signature restaurant at bar, at iba pang pasilidad na available sa hotel.
Samantala, target market naman ng naturang hotel ay mga Pilipinong naghahanap ng luxurious urban living.
Sinabi ni Andy Regalado, Nest Seekers International chief marketing officer at regional director-Asia, na dumating ang Banyan Tree Manila Bay sa tamang panahon.