-- Advertisements --
Hanggang Abril 2, 2025 na lang ang ibibigay na palugid sa mga aplikante ng 2025 Bar examination upang pumili ng kanilang preferred venue para sa pagsusulit na nakatakda sa Setyembre, ayon ‘yan kay Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro-Javier.
Dagdag pa nito na magtatapos ang proseso ng re-selection ng venue alas-5 ng hapon.
Dagdag pa nito na ‘walang garantiya na makukuha ang unang pagpipiliang venue, ngunit ito ay isasaalang-alang batay sa availability ng mga slots sa bawat local testing center (LTC).
Ang final na assignment ng venue ay makikita sa Bar Applicant Registration System at Tech Assistance accounts ng SC.