-- Advertisements --
ESTELA PERLAS BERNABE

Isinusulong ngayon ng Korte Suprema ang reporma sa isinasagawang taunang bar examination sa bansa.

Ang bar exam ay isa sa mga itinuturing na pinaka-prestihiyoso at pinakamahirap na professional licensure exam sa buong kapuluan.

Naniniwala ang ilang mahistrado ng Supreme Court (SC) na panahon na para magkaroon ng pagbabago sa pagsasagawa ng bar exam at hindi kailangan na ito ay maging pahirap sa mga law student.

Sinabi ni SC Associate Justice at 2019 bar exams Chairperson Estela Perlas-Bernabe na pinag-aaralan niya ang bar exams coverage sa mga nakalipas na taon at nirebisa ang bar exam syllabi para sa pagsusulit ngayong taon.

Tinanggal na din umano ang mga lumang topic at inorganisa ang coverage ng bar exams batay sa importansiya sa legal practice sa kasalukuyan.

Tiniyak din ni Bernabe na ang mga tanong sa 2019 bar exams ay nakasaklaw ang iba’t ibang topics at mayroong standard acceptable answers.

Maliban dito, aalisin din aniya ang unfair trivia question at mga tanong na lumilito sa mga bar examinees.

“The bar exams should not be made intentionally difficult for extraneous reasons. Institutional measures should be set to ensure that the Bar remains true to its purpose as the licensure exam for the legal profession. It should be a fair test of the candidate’s aptitude and readiness for actual legal practice befitting of a capable neophyte lawyer. Therefore, it is vital that the quality of questions be carefully sieved and reviewed. The examination itself is already physically and mentally taxing. As such, the preparation should not be compounded by the examinees’ fear of having to read up on every available material on every possible area of law, not to mention the vast number of laws that we have in this country,” wika ni Bernabe.

Sa 2019 bar exams, sinabi ni Bernabe na ipatutupad ng SC ang two examiners per subject policy para matugunan ang dumaraming bilang ng mga bar examinees.

Ngayong taon, tinatayang nasa 9,000 ang kukuha ng bar exam.

Samantala, suportado rin ni 2020 bar exams chairperson Associate Justice Marvic Leonen ang reporma sa bar exam sa bansa.