-- Advertisements --

Target ng Korte Suprema na mailabas na bago ang buwan ng Disyembre ang resulta ng 2023 Bar exams.

Sinabi ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, ang 2023 Bar chairman na nais niyang magkaroong ng full-fledge lawyers bago matapos ang taon.

Nais nilang isagawa sa Disyembre ang magkakasabay na oath-taking at signing of the Roll of Attorneys bago ang Pasko.

Mayroong kabuuang 10,791 na mga law students ang nagsimula ng kumuha ng three-day Bar Exams na nagsimula m ula Setyembre 17, 20 at 24 sa 14 na testing centers sa bansa.

Mahigit sa kalahati ng mga kumuha ng Bar Exams ay mga first timers lamang.