-- Advertisements --
Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng 2020/2021 Bar Examination.
Mula sa dating Enero 23 at 25 ay ginawa na lamang ito sa Pebrero 4 at 6 dahil karamihan aniya sa mag examinees ay may sakit o naka-quarantine matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.
Sa inilabas na Bar Bulletin na pirmado ni Associate Justice Marivic Leonen, Bar Examination Chairperson na malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga kukuha ng pagsusulit kung ito ay itutuloy sa Enero 23-25.
Bukod kasi sa maraming mga examinees ang nagpositibo sa COVID-19 ay may ilang Bar personnel din ang dinapuan ng COVID-19.
Pinayuhan din nila ang mga examinees na striktong sumailalim sa quarantine pagdating ng Enero 20 para umabot sa petsa ng pagsusulit.