-- Advertisements --
ROXAS CITY – Emosyonal ang isang Bar passer mula Aklan matapos magbunga ang kanyang isinakripisyong trabaho para sa pag-aaral ng Law.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Fritzie Villanueva Zaspa na pinili niyang iwan ang trabaho para tutukan ang paga-abogasya at review sa Maynila.
Nagtapos si Zaspa sa Colegio de la Purisima Concepcion sa Capiz.
Kwento ng 29-anyos na tubong Libacao, na kasama siya sa libo-libong bar examinees na abot-abot ang dasal at kaba habang hinihintay ang resulta.
Aminado siya na mula bata pa lang ay pangarap na niya na maging abogado, kahit iba ang kurso na nais para sa kanya ng magulang.
Naging gabay daw ni Zaspa ang dasal at tiwala sa Diyos sa nakamit na tagumpay.