-- Advertisements --

Ibinaba sa 74% ng Supreme Court ang dating 75% na passing rate sa mga bar exams ngayong taon bilang considerasyon.

Kanina bago ilabas sa led screen ang mga resulta at pangalan ng mga bar passers ay inanunsyo ni Associate Justice Mario Lopez na via unanymous decision ay nilagay sa ganitong marka ang paasing rate ng bar exam.

Maraming mga takers naman ang nabuhayan ng loob at natuwa sa naging desisyon ng Kataastaasang Hukuman.

Samantala, pumalo naman sa 3,962 ang mga pumasa at ganap nang abogado. Nakuha naman ng Unibersidad ng Pilipinas ang unang pwesto sa katauhan ng kanilang estudyante na si Kyle Christian Tutor graduate sa paaralan noong 2019. Sinundan naman ito ng Ateneo De Manila University at ilan pang mga paaralan.