-- Advertisements --

May pakulo ang isang bar sa Copanhagen sa Denmark sa mga customer nila na sumasailalim sa COVID-19 testing.

Bago kasi makapasok sa nasabing bar ay kailangan muna nilang sumailalim sa testing at bibigyan sila ng libreng beer habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.

Nagkakahalaga ng $25 ang nasabing testing sa isang booth ng Warpigs Brewpub at kapag nagnegatibo sila ay papayagan na silang makapasok sa bar.

Ang nasabing kaparaanan ay para tuluyan ng mabuksan ang mga negosyo matapos ang ilang buwan na pagkasara nito dahil sa COVID-19 pandemic.