Sinalakay ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division ang isang bar sa Pasay City dahil sa di umano’y pagbibenta nito ng mga balloon na may nitrous oxide o mas kilala sa tawag na “laughing gas.”
Ayon kay NBI AOTCD chief Jerome Bomediano, minomonitor pa nila ang iba pang mga establisyimento na nagbebenta ng nitrous oxide sa mga customer. Matatandaan an noong nakaraang Mayo ay ni-raid nila ang isang Karaoke bar na nagbebenta ng parehong substance.
Ang naturang bar sa pasay ay may combo package na nagkakahalaga ng P9,000, na may kasama ng isang bote ng whiskey, soda at 10 balloons na puno ng nitrous oxide.
Nagbabala si Bomediano sa malubhang implikasyon sa kalusugan ng paglanghap ng nitrous oxide at nakiusap sa Dangerous Drugs Board na isaalang-alang ang pag-uuri nito bilang isang controlled substance.
Nabanggit ni Bomediano na sa medikal, ang nitrous oxide ay ginagamit bilang pampamanhid para sa minor medical at dental procedures. Dagdag pa niya, naging laganap na sa ibang bansa ang paggamit nito bilang recreational drug.