-- Advertisements --

Inilabas ni dating US President Barack Obama ang mga paborito niyang basketbolista.

Pinangalanan nito ang kaniyang “Starting 5” na sina Michael Jordan, LeBron James, Stephen Curry, Hakeem Olajuwon at Kevin Durant.

Ang nasabing mga manlalaro ay kaniyang all-time starting five.

Hindi naman ikinakaila na inuna nito sa listahan si Jordan dahil sa kababayan niya ito sa Chicago.

Paliwanag din nito kaya napili niya si LeBron dahil sa kayang-kaya ng Los Angeles Lakers star na hawakan at paikutin ang bola sa mga manlalaro.

Mas malaking tulong ang mga shooting skills nina Stephen Curry at Kevin Durant.

Labis naman ang paghanga nito kay Houston Rockets Hall of Fame center Hakeem Ojajuwon dahil sa may ipinamalas na galing nito sa nasabing koponan.