-- Advertisements --
Inilagay na ni Manila City Mayor Isko Moreno sa dalawang araw na enhance community quarantine (ECQ) ang Barangay 847, Zone 2 sa Pandacan.
Nagsimula ito kaninang 12:01 ng madaling araw at magtatapos ito ng 11:59 ng June 2.
Sinabi ng alkalde na hiniling mismo sa kaniya ng punong barangay ang nasabing pagpapatupad ng hard lockdown sa kaniyang lugar.
Umabot kasi sa apat ang kumpirmadong kaso at anim na pinaghihinalaang nadapuan ng coronavirus sa nasabing lugar kung saan kasalukuyang nagpapagaling ang mga ito sa pagamutan.
Pinayuhan na lamang ni Punong Barangay Ruben Flores Jr, ang mga residente na sumunod sa ipinapatupad na panuntunan.